Visas Para sa Mag-asawa

VISAS PARA SA ASAWA / KA LIVE IN

Australian spouse visas, katulad din ito ng partner visas, ito ay para sa mga overseas aplikante na pakakasal o kasal na sa isang Australian Citizen or Australian Permanent Resident. Puwede ding mabigyan yung mga taong nagsasama na may ka live-in partner na isang Australian o Permanent Resident. Ito ay ang mga visa para sa mga babae na gustong (a) magpakasal sa ibang bansa at mag-apply ng kanilang visa, (b) magpakasal sa Australia (kung kayo ay nasa Australia na) then saka kayo mag-apply ng inyong visa. (kung ito ay kaya ninyong gawin) , o (c) kung kayo ay nagsasama na sa iisang bubong sa ibang bansa man o sa Australia sa sapat na panahon at gusto ninyong mag-apply sa ganitong batayan. Kahit sa mag kaparehong uri puwede din kayong mag-apply.

Kung balak ninyong magpakasal sa ibang bansa, puwede na kayong mag-apply ng spouse visa, at taposin na lang ninyo pag kayo ay nakasal na. Puwede kayong maka save ng oras sa ganitong paraan. Pero huwag ninyong aasahan na ang Department of Immigration and Border Protection (DIBP) ay bibigyan agad kayo ng visa pag-ibinigay na ninyo ang inyong marriage certificate. Huwag kayong umasa sa asawa ninyo na madadala niya agad kayo sa Australia pagbalik niya. Ang departamento ay nag tratrabaho sila sa kanilang sariling time frame, hindi para sa sarili ninyong oras o gusto.

Kayo ay mag-a-apply ng Subclass 309 temporary partner visa (or a Subclass 820 temporary partner visa kung nasa Australia kayo).

Kung kayo ay nagsasama parin (at mapatunayan ninyo) pagkatapos ng 2 taon, puwede kayong mabigyan ng Subclass 100 PERMANENT partner visa (or Subclass 801 PERMANENT partner visa kung kayo ay nag-apply sa Australia). Inyong tandan na kayo ay nag apply ng sabay ng 309/100 (o 820/801).

Kung kayo ay mayruon ng matagal na ka relasyon, o anak dito sa relasyon na ito, puwede ninyong ma bypass ang ganitong temporary visa period.

 

hc6

 

 

Pagkuha ng tourist visa, pagkatapos ng partner visa sa Australia

Ang ibang tao nagsasabi na ito daw ang pinakagandang paraan?

Minsan kayo ay may maririnig na payo sa mga online discussion forums, at kahit saibang migration agents, na sasabihin sa inyo na yan ang pinakamagandang paraan na mag apply. Na maging turista sa Australia. Tapos magpakasal. Tapos mag apply ng partner visa, at ang aplikante ay maghihintay duon habang pinag process ang kaniyang application.

Ang makinig at kunin ang mga payo  ng isang bagohang forums ay hindi magandang ideya. Dahil wala silang pakialam at wala din silang responsabilidad na akala nila ay expert sila na sila ay 90% self- confidence at 10% lang ang alam nila base sa sarili nilang application kompara sa isang REHISTRADONG Migration Agent na may kwalipikasyon at maraming mga matagumpay na aplikasyon sa loob ng isang taon.

At ang isang rehistradong Migration Agents ay kwalipikado na magbigay ng advise, kami ay dalubhasa sa aming sariling pook (area) at kami ay nag stick dito sa area o trabaho naming ito. Hindi ako nagbibigay ng advice para sa mga estudyante sa India, o kahit magbigay ng advice  sa mga tao sa China para sa kanilang Bisa na Espesyal na Mamumuhunan, hindi ako sa kanila nagbibigay ng ganyang advice kasi kulang ako sa kaalaman sa ganyang klase ng visa. Kami ay expert sa partner visa dito sa Pilipinas.

 

Pros

  • Kung kayo ay nag apply ng onshore application at naging matagumpay ito, ang aplikante ay puweding mag stay sa Australia on a bridging visa at di na kailangang bumalik
  • Ang aplikante ay airing mag apply ng Medicare
  • Ang aplikante ay maaring mag trabaho

 

Cons

  • Ang singil ng gobyerno ay nagkakahalaga ng $1,500 o mahigit pa para ito duon sa mga onshore application
  • Ang visa para sa turista baka di maging matagumpay
  • Ang bisa para sa turista ay dapat bibisitahin ang kanilang kaibigan o pamilya o magiginig isang tunay na turista (gaya ng hawakan ang koalas at magandahan sa harbour bridge, at iba pa). Ang mag apply ng tourist visa at magpakasal para lamang malusutan ang gobyerno , hindi ito ang tunay na rason para mag-apply at ito ay kanilang eh refuse ang aplikasyon kung hindi tutuo o tunay ang kanilang pakay halimbawa,
  • Puwede kayong magpakasal sa Australia kung kayo ay anduon bilang isang turista, pero di Kayo puweding mag-apply ng tourist visa kung ang intention ninyo ay ang magpakasal duon sa Australia.
  • Baka ang tourist visa grant ninyo ay mayruong nakalagay na kondisyon na 8503. Ibig sabihin nito  NO FURTHER STAY, ang ibig sabihin hindi kayo puweding mag-apply ng panibagong bisa habang nasa Australia kayo. Kailangang umalis kayo bago matapos ang bisa ninyo. Walang posibilidad na puwede kayong mag apply ng partner visa habang nasa Australia kayo. Kaya babalik din kayo
  • Ang magpakasal sa Australia kailangan ninyong makipag ugnayan sa pari o marriage celebrant, kailangan ninyong magtakda ng petsa ng inyong kasal (kadalasan kailangang mag pa book kayo isang buwan bago kayo ikasal), kailangan ninyong maglodge ng Intention to Marry form, at kailangan ninyong maghintay sa loob ng isang buwan para sa marriage license ninyo. At ang subukan na mag organise na inyong kasal at ang submit ng komplekadong bisa aplikasyon sa loob ng tatlong buwan ang pagtigil ninyo duon ay magiging napaka stressful and very challenging.
  • Kayo ay ma culture shock pa
  • Kayo ay baka magtra trabaho pa araw araw
  • Kayo ay mangangailangan pa ng mga dokumento na galing dito sa Pilipinas na ang hirap eh organise habang andiyan kayo sa Australia.
  • At ang lagi ninyong iisipin ay ang deadline at sinisikap ninyong ihanda ang lahat bago matapos ang kanyang tourist visa.

 

hc13

 

Ano ang maaring gawin ng Down Under Visa?

Ang aming trabaho ay ang tulungan kayo at gagawin namin ang aming makakaya ayon sa aming abilidad at kami ay laging nasa tama lalo na sa batas! Pero inyong intindihin na kami ay hindi “Yes-men” at lagi naming sasabihin ang tutuo lalong lalo na kung ito ay tungkol sa mga practical na bagay. At kung gusto talaga ninyong magpakasal sa Australia habang kayo ay nasa tourist visa, at gusto ninyong mag-apply ng partner visa sa Australia, oo, maari namin kayong tulungan sa inyong application gaya din ito nuong pinag manage namin ang inyong aplikasyon dito sa Manila.

Gayun paman mas gusto naming makita na eh lodge aplikasyon ninyo offshore.

At oo, alam naming ma mi miss ninyo ang isa’t isa.

Kung kaya’t nag a advise kami sa inyo na mag-apply ng multiply – entry visa para sa kanya kasabay ng partner visa oras na ito ay pinag lodge natin dito sa manila. Maari kayong magsama diyan sa Australia habang kayo ay naghihintay  na ma processed. At ma e enjoy ninyo ang isat isa na walang masyadong iisipin.

Kung talagang gusto ninyong magpakasal at mag apply diyan sa Australia? Sabihan ninyo kami! At kung gusto ninyong magsimula ng eh process sa amin mas mabuti na yung masimulan na kisa ang maghintay pa, ma organised naming at mahanda na namin ang mga dokumento at maari na naming eh lodge ang application ninyo oras na kayo ay kasal na. HUWAG NINYONG GAWIN ITO SA HULI PAG NASA AUSTRALIA NA SIYA SA PILING NINYO!